
January 2, 2026
Mga Minamahal Naming Miyembro ng BHIARCO,
Nais po naming ipaalam sa inyo na ang 16th ANNUAL GENERAL ASSEMBLY ay gaganapin sa ika-dalawampu’t walo (28) ng Pebrero 2026 sa ganap na ika-walo (8:00) ng umaga sa Alaminos City National High School, San Jose Drive, Barangay Poblacion, Alaminos City, Pangasinan.
Mahalagang Paalala: Ang General Assembly ay blended, kaya maaari kayong dumalo nang personal (face-to-face) o sumali virtually sa pamamagitan ng online platform na ipapadala sa inyong email o Facebook Messenger.
Ang mga dadalo ng face-to-face ay makakatanggap ng pamasahe at chances sa mga raffle bilang pasasalamat sa kanilang presensya.
Ang mga virtual attendees ay hindi tatanggap ng pamasahe o regalo, ngunit kinakailangang makadalo upang maitala bilang present at makilahok sa talakayan.
Malaki pong tulong ang inyong pagdalo sa meeting, dahil maaari ninyong maibahagi ang inyong mga kaisipan para sa ikakabuti at ikakaganda ng ating kooperatiba. Dito ninyo malalaman ang operasyon sa taong 2025 at ang mga plano natin para sa taong 2026.
Ang mga may Share Capital na higit P5,000.00 at walang liban sa pagbayad hanggang Disyembre 31, 2025 ay maaaring tumakbo/kumandidato bilang Board of Directors, Audit Committee, at Election Committee.
Tatlo (4) ang bakante sa Board of Directors
Dalawa (1) sa Audit & Inventory Committee
Dalawa (1) sa Election Committee
Kung kayo ay interesado sa pagkandidato, maaring magsadya sa ating opisina upang mag-fill up ng Certificate of Candidacy at Bio Data, o maaari kayong makipag-ugnayan sa ating mga Development Officer para mabigyan ng form.
Kami ay lubos na nagpapasalamat sa inyong ibibigay na oras. Kung may katanungan, maaari kayong mag-message sa numero na _______________.
Bilang isa sa mga may-ari ng kooperatiba, obligasyon ng isang miyembro ang dumalo sa pangkalahatang pagtitipon. (Paalala: ang hindi pagdalo ay may penalty na P150.00 alinsunod sa General Assembly Resolution 1-S2023)
Ang kumpirmasyon ng inyong pagdalo ay pagpindot sa link na ito:
Ang inyong Lingkod
​
Romenito A.Pader
Chairperson

